Lusot na sa LTFRB ang nakaambang taas-pasahe sa LRT line one at two. Aprubado ng ahensya ang boarding fare increase na 2 pesos at 29 centavos. Sa ngayon 11 peso ang boarding fare ng Light Rail Transit. Bukod diyan, tataas din ang distance fare ng 1 peso and 21 centavos kada kilometro. Ang current distance fare ay 1 peso.

Pinalagan ni Bayan Secretary General Renato Reyes ang taas-pasahe sa tren. Giit niya, hindi ito dumaan sa public hearing. Wrong timing din daw ito dahil sa pagsipa ng inflation o pagmahal ng bilihin.

Sa isang statement, sinabi ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na hinihintay pa nila ang final fare adjustment. Handa raw ipatupad ng LRMC ang anumang rate na maaprubahan ng gobyerno.

Makakausap natin si LRTA Administrator Hernando Cabrera.

Visit our website for more #NewsYouCanTrust: https://www.cnnphilippines.com/

Follow our social media pages:

• Facebook: https://www.facebook.com/CNNPhilippines
• Instagram: https://www.instagram.com/cnnphilippines/
• Twitter: https://twitter.com/cnnphilippines